Selebrasyon ng 65th Founding aniversary ng RMN, matagumpay na naidaos ng DXMY!

Dahil holiday, lumagpas pa sa inaasahang bilang na 400 ang mga bata sa Barangay RH-8 nitong lungsod ang nakibahagi sa selebrasyon ng ika 65-taong anibersaryo ng Radio Mindanao Networks (RMN).
Nagdulot ng ngiti at halakhak sa mga bata ang prisensya ni Jolibee na bibong-bibo at bigay na bigay sa pagsayaw kung saan hindi napigilan ng ilan na sabayan ito.
Hindi rin nagkamayaw ang mga paslit sa games na pinangasiwaan ng Jolibee crew, lalo pang nagpasaya sa mga ito ang all time favorite na burger yum.
Mahigit 100 batang lalaki rin ang nakabenipisyo sa libreng gupit na handog ng DXMY.
Ang naturang aktibidad ay pasasalamat ng DXMY sa mga Kasamang tagapakinig na walang sawang sumusuporta sa mga programa ng RMN na ngayon ay 65 anyos na.
Maliban sa feeding program at libreng gupit, namahagi din ng cash ang RMN-Cotabato sa mga nahuli ng mga reporter sa iba’t-ibang bahagi ng Cotabato city na naka-tune-in sa DXMY 729 at IFM 90.9 kung saan ay tumanggap ang mga ito ng tig P650.00.
Sa kabuuan, naging matiwasay at matagumpay ang selebrasyon ng DXMY sa anibersaryo ng RMN na naisakatuparan sa tulong na rin ng advertisers at mga kliyente nito, staff mismo ng DXMY sa pamumuno ni Station Manager Erwin Cabilbigan, volunteers at barangay officials ng RH-8. (DAISY MANGOD- REMOGAT)


Facebook Comments