Selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng Philippine Embassy sa Russia, gagawin online

Hinimok ng Philippine Embassy sa Russia ang mga Fililpino doon na manood na lamang online ng special online event para sa pagdiriwang ng 122nd Philippine Independence Day o Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Embahada, ipinagbabawal pa rin kasi ang anumang mass gathering kahit na holiday, dahil na rin sa patuloy na banta ng COVID-19.

Magpapalabas din ang Embahada ng maikling programa kasama ang ilang miyembro ng Philippine Embassy Cultural Performers Group sa pamamagitan ng online event sa darating na Biyernes.


Samantala alas 10:00 ng umaga, ipakikita rin ng Embahada ng Pilipinas sa kanilang FB page ang live broadcast ng ika 122nd Philippine Independence Day o Araw ng Kalayaan sa Maynila.

Facebook Comments