Selebrasyon ng araw ng Pagadian, gagawing simple dahil sa banta ng seguridad

33

Pagadian, Philippines – Magiging simple lang ang pagdiriwang ng ika-48 na araw ng Pagadian ngayon dahil sa banta ng seguridad matapos maaresto sa lungsod ang labing tatlong miyembro ng Maute Group.

Nakatakda sanang gawin ngayong umaga ang civic- military parade ngunit dahil sa pangyayari isang simpleng motorcade na lamang ang isasagawa alas 8 ng umaga.

Ang tema ng selebrasyon sa taong ito, pagadianon: dakong garbo ang panaghi-usa alang sa dakabayang nagmalinawon ug nagmalambuon.

Matagumpay naman ang isinagawang coronation night ng Miss Pagadian 2017 samantala sobrang higpit na seguridad ang ipinatupad sa lungsod upang maiwasang makapasok ang iba pang Maute Group member na nakalabas sa Marawi City.

Facebook Comments