Matiwasay ang naging pagsalubong ng Bagong Taon sa bayan ng Calasiao, sa kabila ng naitalang apat na minor firework-related incidents, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PLt. Jeffrey Ayson, Investigation and Intelligence Officer, ang mga insidente ay bunga ng pinaigting na information dissemination campaign na naglalayong magbigay babala sa mga magtatangkang mag benta at gumamit ng ilegal na paputok.
Dagdag pa ni Ayson, wala ring naitalang kaso ng indiscriminate firing o ligaw na bala sa bayan noong kasagsagan ng selebrasyon.
Samantala, tiniyak ng kapulisan na patuloy na nakatalaga ang kanilang mga personnel sa mga pampublikong lugar upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente sa buong bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments