DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Wala pang pinal na desisyon ang lokal na pamahalaan ng Dagupan kung itutuloy ang selebrasyon ng Bangus Festival ngayong taon ayon sa Alkalde.
Sa naging pagpupulong ng miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Pangasinan Chapter at ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, sinabi nito na patuloy itong pinag-uusapang maigi sapagkat hindi maprerepdict ang mangyayari sa mga susunod pang buwan ngayong nararanasan pa rin ang pandemya.
Nakatakdang magsagawa ng pagpupulong ang mga komite ng lungsod sa nasabing kapistahan na kadalasang isinasagawa tuwing buwan ng Mayo.
Samantala, nakitaan naman nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang lungsod kung ikukumpara noong kasagsagan ng delta variant.
Ibig sabihin aniya lamang nito na naging epekto ang pagbabakuna laban sa sakit sapagkat karamihan sa aktibong kaso sa lungsod ay 13% ang asymptomatic at 62% ang mild cases. | ifmnews