SELEBRASYON NG BANGUS FESTIVAL SA DAGUPAN CITY, PINAGHAHANDAAN NA

Tuloy ang selebrasyon ng Bangus Festival sa Dagupan City ngayong taon matapos ang dalawang taon na ito ay naudlot dahil sa pandemya, ayon sa alkalde ng lungsod.
Isasagawa ang kapistahan sa darating na April 28-30.
Zero cases, Alert Level 1 at high vaccination rate ang ilan lamang sa mga naging basehan ng lokal na pamahalaan upang ituloy ang Bangus Festival.

Ayon sa Alkalde ng lungsod, humingi na ito ng permiso sa Malacañang upang isagawa ang kapistahan at idineklarang holiday ang April 30 sa lungsod.
Sa nasabing araw gaganapin ang “Kalutan Ed Dalan” kung saan ibabalik ito sa downtown area.
Ang Kalutan ed Dalan ay isang street party na matitikman ang ipinagmamalaking Bangus ng lungsod. | ifmnews
Facebook Comments