Cauayan City, Isabela – Sa darating na Sabado, March 24, 2018 gaganapin ang
isang oras na Earth Hour, ayon sa City Administrator ng Cauayan City.
Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay City Administrator Jose Abad,
hinihikayat niya ang lahat ng mamamayan sa lungsod maging sa buong mundo na
makiisa sa Earth Hour na patayin ang kanilang mga ilaw mula alas otso
imedya hanggang alas nuwebe imedya ng gabi (8:30 – 9:30 pm) sa Sabado.
Layunin umano ng Earth Hour na makatipid ng koryente sa kahit isang oras at
ito ay ginawa bawat taon.
Umaasa si Administrator Abad na makikiisa ang lahat ng may bahay lalo na sa
mga malalaking mall sa lungsod ngunit makikipag koordinasyon pa rin umano
ito sa lahat upang mas marami ang makiisa sa Earth Hour.
Facebook Comments