Selebrasyon ng Edl Al Ftr o pagtatapos ng Ramadan mapayapa ayon sa PNP

Naging mapayapa ang pagdiriwang ng Edl-Al-Ftr o pagtatapos ng Ramadan ng mga kapatid na muslim.

 

Ito ang kabuaang security assessment ng Phillippine National Police sa buong maghapong pagbabantay.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac wala silang namonitor na anumang untoward incident sa lahat ng rehiyon sa bansa.


 

Pero mananatili aniyang alerto at mapagmatyag ang buong PNP para sa kanilang normal na tungkuling bantayan ang publiko laban sa anumang krimen.

 

Lalo’t  kung kakailanganin ang kanilang tulong sa mga emergency situation.

 

 

Facebook Comments