Manila. Philippines – Magiging simple na lamang ang pag-alala sa ika-31 anibersaryo ng EDSA people power sa darating na Pebrero 25.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – isang tahimik na paggunita na lamang ang gagawin sa loob ng kampo Aguinaldo at Malakanyang.
Ito aniya ang tamang panahon para mag-move on sa mga nangyari noong dalawang dekada.
Umaalma naman dito si Leah Navarro na aktibong nakilahok sa people power noong rehimeng Marcos.
Tila pumapabor anya ang administrasyon sa pamilya Marcos kaysa suportahan at tulungan ang mga naging biktima ng batas militar.
Wala pang pahayag ang pamilya Marcos hinggil dito.
tag: Luzon, Manila, DZXL 558, EDSA, EDSA People Power, February 25, Marcos, Leah Navarro, Ernesto Abella
Facebook Comments