Selebrasyon ng Ika-Dalawampu’t Tatlong Anibersaryo ng Police Community Relation, Sinimulan Na!

Tuguegarao City, Cagayan – Masayang sinimulan ngayong araw ang ika-dalawampu’t tatlong anibersaryo ng Police Community Relation Month na pinangunahan ni Quirino Governor Junie E. Cua na ginanap sa grandstand ng Police Regional Office 2 sa lungsod ng Tuguegarao.

Ang naturang aktibidad ay may temang, “Tapat na Serbisyo at Paglilingkod ng Kapulisan, Kaagapay ang Mamamayan, Hatid ay Kaunlaran”.

Ayon kay Hon. Cue, hindi umano matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng kapulisan sa pagpapanatili ng peace and order sa rehiyon dos.


Kaalinsabay sa naturang selebrasyon ay pinangunahan ni Quirino Governor Cua at PRO2 Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino ang pagkilala at paggawad ng Medalya ng Papuri kina Police Superintendent Chevalier R. Iringan, Police Chief Inspector Rodel R. Tabulog, Police Senior Inspector Mauricio S. Galiza Jr., Po3 Giovanni G. Pacis at PO2 Philip Q, Salvador.

Ang Medalya ng Kagalingan ay iginawad rin kina Police Chief Inspector Ruben M. Martinez at Police Chief Inspector Rovelita R. Aglipay dahil sa matagumpay na pagkakaaresto ng number 1 Top Most Wanted Person sa Echague, Isabela at Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.

Facebook Comments