Selebrasyon ng Kaarawan ni Governor Faustino “Bojie” Dy III, Sinimulan ng Children’s Party!

Cauayan City, Isabela – Sinimulan ng isang children’s party ang selebrasyon ng kaarawan ni Governor Faustino “Bojie” Dy III na isinagawa sa Queens Isabela Park kaninang alas syete ng umaga at sinundan ito ng iba’t ibang aktibidad.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, ang media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na isinagawa rin sa kapitolyo ang para sa mga kawani ng Isabela o tinawag na Governor “Bojie” Dy Para sa Mga Kawaning Isabeleño kung saan ay pinili dito ang most outstanding na empleyado ng bawat departamento ng provincial government ng Isabela.

Ginanap rin umano sa Governor Faustino N. Dy Hall ang Governor” Bojie” Dy Para sa Masang Isabeleño kung saan ay ginawa ang distribusyon ng financial assistance sa mga organisasyon at asosasyon ng Isabela.


Samantala sa F.Dy Collesium dito sa Cauayan City ay isinagawa ang launching ng Pagkakaisa ng Lalawigan ng Isabela o PALAI na dinaluhan ni Senator JV Ejercito at iba pang mga matataas na opisyal dito sa Isabela.

Facebook Comments