Selebrasyon ng Kankanen Festival sa Asingan Pangasinan nagsimula na

Taunang piyesta ng Asingan kasalukuyang ipinagdiririwang ng mga Asinganians. Ito ay nagsimula noong Abril 21 at magtatagal hanggang Abril 28.
Ang Kankanen Festival na ang ibig sabihin ng “Kankanen” sa tagalog ay “Kakanin” ito’y mga pagkaing gawa sa malagkit.
Inihayag ni Mayor Heidee G. Chua na parte ng piyesta ang “One Town, One Product” or OTOP ang magtaguyod ng mga masasarap na pagkaing malagkit.
Narito ang iba’t ibang tampok na pakulo at kompetisyon sa kanilang piyesta:
1. April 21 – Car/ Motor/Tricycle Show
2. April 23 – Grand Parade
3. April 24 – Asingan Billiards Competition
4. April 25 – Laro ng Lahi at Feeding program – Reyna Ti Asingan Gay Competition
5. April 26 – Medical and Dental Mission – Asingan Hataw Sayaw Zumba – Kankanen Festival Battle
6. April 27 – Bornzkie Mangosong at Yamaha Motorshow Exhibition – Ginoo Ken Mutya Ti Asingan 2019 7
April 28 – Kankanen Festival
Ayon kay Aguilar, Public Information Officer ng Local Government Unit na ilan sa mga tampok na aabangan sa nasabing pagdiriwang ay kanya-kanyang paggawa ng mga pagkain na gawa sa malagkit tulad ng suman, biko, at marami pang iba.
Mayroong dalawampu’t isang barangay ang nasabing lalahok upang gumawa ng mga kakanin at ito’y matikman ng lahat ng bawat taong naroon sa mismong lugar.
Dagdag pa ni Ginoong Aguilar na ito raw ang kanilang paraan upang mas makilala ng mga kababayan sa ibang lugar ng Pangasinan na ang Asingan ay tungkol sa Kankanen at ito ang isa sa kanilang produkto bukod sa gatas ng kalabaw. Isa sa plano nilang gawin ang paggawa ng pinaka-malaking biko sa buong mundo ngunit naudlot dahil na rin sa paparating na eleksyon.
Nabuo ang Kankanen festival noong taong 2011.

Ulat ni: Jeselle Arah O. Posadas
Photo Credit: J <www.facebook.com/jerminia.britanico?__tn__=%2Cd%2AF%2AF-R&eid=ARAmpk-HXKAGNydX1BCWlu5qUXBUJmNkFUS6ruTUZtkoVN66bItEUSda9KnNH6LKjGRVWUKZYlNzgCTK&tn-str=%2AF>erminia Britanico [image: 12790_863302217038020_6508514696631716811_n.jpg]

Facebook Comments