Selebrasyon ng mga Kooperatiba ng Lungsod ng Cauayan, Isinagawa ngayong Araw!

*Cauayan City, Isabela- *Masayang nakiisa sa pagdiriwang sa National Cooperative Month ngayong buwan ng Oktubre ang mga kooperatiba ng Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Salcedo Foronda, ang Chairman ng Committee on Cooperative and Livelihood ng Lungsod ng Cauayan, bilang parte sa kanilang selebrasyon ay magsasagawa sila ng Tree Planting ngayong araw sa brgy. Maligay at Dental at Medical Mission naman sa mga susunod na araw.

Ayon pa kay Councilor Foronda, na mula sa dalawampu’t siyam na kooperatiba dito sa Lungsod ng Cauayan ay maganda naman umano ang kanilang operasyon sa pamimigay ng credit ability at serbisyo sa kanilang mga miyembro.


Malaki rin umano ang tulong ng kanilang mandato na lahat ng kanilang mga Board of Directors at mga staffs ay magkaroon ng training hinggil sa kanilang pulisiya upang masunod at maiimpliminta ito ng maayos.

Facebook Comments