Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ang selebrasyon sa National Rice Awareness and Organic Agriculture Month na pinangunahan ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) na pinamumunuan ni Executive Director Narciso A. Edillo kahapon, Nobyembre 8.
Sabay-sabay ang lahat ng research station sa rehiyon na nakikiisa sa selebrasyon na may temang “Be RICEponsibly Healthy and Organikong Pagsasaka sa Panahon ng Pandemya.
Ayon kay RD Edillo, dapat umanong maging maingat ang publiko sa pagkain at isipin ang mga magsasaka na nagpapakahirap sa pagtatanim ng palay.
Gayundin, sinabi niya na ang pagiging maingat na huwag mag-aksaya ng bigas dahil ito ang pangunahing pagkain ay nangangahulugan ng mahusay sa pagtatamo ng sapat na pagkain.
Samantala, binigyang-diin din ni Dr. Roberto Busania, RTD for Operations ang katangian ng pag-ubos ng bawat pagkain lalo na sa mga restaurant.
Malaki raw ang ibig sabihin ng pag-order ng kailangan, at pag-iwas sa mga natitira.
Sa ilalim ng Proclamation No. 524, s. 2014, ang buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ng buong bansa ang National Rice Awareness na pangungunahan ng Department of Agriculture.