Naging makulay at masaya ang pagbubukas ng Pandan Festival sa Mapandan, Pangasinan.
Ang Pandan Festival ay taunang kapistahan sa bayan kung saan ipinagdiriwang ng mga Mapandanians ang masaganang ani ng kanilang mga pangunahing produkto tulad ng Palay, Mais, at Papaya.
Mula sa engrandeng Float Parade, iba’t ibang programa at pagtitipon, isa sa naging highlight ng kapistahan noong March 22 ang kanilang Street Dancing Parade and Competition.
Binubuo ng iba’t ibang barangay ng Cluster 1, Cluster 2, at Cluster 3, dito naipamalas ng tatlong grupong kalahok ang kanilang galing sa pagsayaw habang ipinapakita ang mensahe ng pasasalamat sa masaganang industriya ng produkto ng bayan.
Sabay sa dagundong ng entablado ang hiyawan at saya ng mga manonood habang isinisigaw ang suporta nila sa bawat kalahok.
Ang mga ganitong pagdiriwang ay isa lamang patunay na sa kabila ng modernong panahon, buhay pa rin ang makulay na kultura ng pagsasaya, pagtitipon, at pagkakaisa sa ating mga Pilipino.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨