SELEBRASYON NG PANDAN FESTIVAL SA MAPANDAN, MATAGUMPAY

Naging makulay at masigla ang selebrasyon ng Pandan Festival 2026 sa bayan ng Mapandan nitong nakaraang March 13 hanggang March 22, 2026.

Bagamat ilang bayan na ang nag-anunsyo ng kanselasyon ng kanilang mga town fiesta, matagumpay namang naisagawa ng Mapandan ang kanilang taunang selebrasyon ng mayamang kultura sa bayan.

Naging event highlight ang Pandan Festival Grand Street Dancing Competition kung saan iba’t ibang bayan ang dumalo at nagpaligsahan upang ipakita ang kanilang nakagisnang tradisyon sa pamamagitan ng pagsayaw.

Kabilang sa mga nakiisa sa street dancing competition at tinanghal na kampeon ay ang Mais Festival ng San Manuel, Tarlac.

Nakisaya rin ang Pagey Festival ng Malasiqui, Pangasinan, Sibuyas Festival ng Bongabon, Nueva Ecija, at Hundred Islands Festival ng Alaminos City, Pangasinan.

Patunay lamang na hindi natatapos sa bayan ng Mapandan ang saya ng kapistahan na ito kundi pinalawig rin ito sa iba’t ibang bayan sa loob at labas ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments