Selebrasyon ng Pasko sa Cotabato City , Peaceful!

Naging mapayapa ang pagsalubong at pagdiriwang ng kapaskuhan sa Cotabato City.
Walang may nasaktan dahil sa paputok , nasabugan man o naputukan base na rin sa record ng City PNP sa naging panayam ng DXMY kay Police Col. Portia Manalad.

Kaugnay nito lubos na pinasalamatan ng PNP ang publiko sa pakikiisa ng mga ito sa kanilang adbokasiya .

Umaasa rin si Col. Manalad na magpapatuloy ito hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.


Patuloy ang pagpapaalala ng mga otorida sa publiko na maging mapagmatyag at agad na ireport sakaling may mga kahina hinalang bagay na mamataan.
City PNP Pic

Facebook Comments