Tuloy pa rin ang selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno sa January 9, 2022.
Paglilinaw ni Father Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of Black Nazarene o kilala bilang Quiapo Church, ang Traslasyon lamang ang sinuspinde dahil ginagamit pa rin bilang COVID-19 field ospital ang Quirino Grandstand na kadalasang starting line nito.
Pero kahit wala ang dating nakagawian, magkakaroon pa rin ng dungaw at babantayan pa rin ang paligid ng simbahan.
Ang taunang seremonya ay pagsasabuhay ng 1787 Traslasyon na nangangahulugang ‘solemn transfer’ o paglilipat ng imahe mula sa orihinal na dambana nito sa Bagumbayan na dadaan sa Rizal Park at tutungong Quiapo Church.
Dumating sa Manila ang orihinal na imahe nito noong May 31, 1606 na nanggaling pa sa Mexico.