Manila, Philippines – Dahil sa tensyon sa Marawi City, matamlay ang pagsisimula ng Ramadan, para sa mga kapatid nating Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila.
Maagang sinimulan ng mga Muslim sa Maynila ang selebrasyon.
Nagsimula ang kanilang pagtitipon tipon at sama samang pagdarasal kaninang alas dose ng hatinggagi na nagtapos pasado alas kuatro kaninang madaling araw.
Susundan ito ng pagdarasal sa tanghali at hapon.
Pagdating ng gabi, magkakaroon naman ng Tarawi prayer.
Ang Ramadan ang ikasiyam na buwan sa Islamic calendar.
Sa panahong ito, nag-aayuno at nagdarasal ang lahat ng Muslim sa buong mundo.
Ang pag-aayuno o fasting ay paraan ng paglilinis sa mga kasalanan.
Hudyat ng pagsisimula ng Ramadan ang new moon na inabangan kagabi sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa loob ng isang buwan, mag-aayuno ang mga Muslim.
Kasama na rito ang hindi pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagtalik, pati na ang paggawa ng tama at pagtulong sa kapwa.
Matatapos ang Ramadan sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
DZXL558, Mike Goyagoy