Nakikiisa ang Palasyo ng Malacañang sa pagdiriwang ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ngayong araw.
Sa inilabas na pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea ay sinabi nitong mayroong iba’t-ibang paraan ng pagbibigay diin ang bawat administrasyon sa karapatang pantao.
Sinabi ni Medialdea, ang tema ng pagdiriwang ng human rights declaration na “Protecting Human Lives, Uplifting Human Dignity and Advancing People’s Progress ay ang isinusulong ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin din naman ni Medialdea na mas mapangangalagaan ang karapatang pantao ng mga inosenteng Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalakas pa ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, kriminalidad, katiwalian, insurgency at maraming iba pa.
Tiniyak din naman ni Medialdea na committed ang Pamahalaan na i-angat ang buhay ng bawat Pilipino at pakikiisa ng Pilipinas sa pagdiriwang ng UDHR at ang mga ito aniya ay nakasandal sa tunay na pangangailangan ng bawat Pilipino.