SELEBRASYON SA BUWAN NG NUTRISYON, PANTAL COMMUNITY PANTRY SA LUNGSOD NG DAGUPAN ISASAGAWA

Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo, magsasagawa ang #ArkyCares ng Community Pantry sa mga residente ng Brgy. Pantal Dagupan City, sa darating na Hulyo 29, 2023.
Hatid nilang aktibidad sa komunidad ay may temang “Masustansyang tungo sa pagkamit ng makulay at nagkaka-isang Barangay.
Ayon sa #Arky Cares pangatlong beses na silang maghahatid serbisyo ng kanilang Community Pantry para sa komunidad.
Sapagkat, isa sa misyon ng nasabing organisasyon ay matulungan ang nasabing barangay at lahat ng nasa agrikulturang sektor sa lipunan na maihatid ang masustansyang pagkain sa hapag kainan.
Sa mga interesado at handang makikiisa mangyaring magdala lamang ng inyong mga environmental bags, baskets, plastic bags at iba pa.
Samantala, bukas ang kanilang tanggapan sa pakiki-isa at pagpapa-abot ng tulong para sa isasagawang aktibidad. |ifmnews
Facebook Comments