Manila, Philippines – Inaasahang babalik pa ng bansa angself-confessed Davao Death Squad (DDS) leader Arturo Lascañas.
Batay sa return plane ticket ni Lascañas, nakatakda itongbumalik sa bansa ang sa April 22, araw ng Sabado.
Ayon kay Immigration Spokesperson Antonette Mangrobang –lumipad pa Singapore si Lascañas mula Clark International Airport kasama angtatlo pang hindi na pinangalanan.
Dagdag pa ni Mangrobang – pinayagang makalabas ng bansasi Lascañas dahil wala namang itong hold Departure Order.
Pero sinabi ni Mangrobang – hindi na nila matutukoy kungmananatili sa singapore si Lascañas.
Una nang sinabi ni Lascañas na may mga banta na maghahainng kaso laban sa kanya, at may mga taong naghahanap sa kanya kaya siya umalissa bansa.
Self-confessed DDS leader Arturo Lascañas, inaasahang babalik ng bansa sa susunod na linggo – kasong perjury, inihahanda na ng Senado
Facebook Comments