Self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, inalis na ng DOJ sa WPP

Inalis na ng Department of Justice (DOJ) sa witness protection program (WPP) ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, kaniyang asawa at mga anak.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, dahil ito sa ilang beses na paglabag ni Espinosa habang nasa ilalim ng programa.

Kabilang na aniya rito ang smuggling ng mga kontrabando; pangingikil sa mga inmates, pangha-harass at planong pagtakas habang nakakulong sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI).


Lumabag din aniya si Espinosa sa curfew hours at bumisita sa pasilidad ng ibang inmates kahit na mayroon na itong warning.

Maliban dito, nakikipag-ugnayan rin ito sa ibang inmates na mayroong drug cases at gumagamit ng mobile phones at bladed weapons na ipinagbabawal sa loob ng detention facility.

Tiniyak naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na walang magiging epekto sa mga kaso ni Espinosa ang pagkatatanggal niya sa WPP.

Facebook Comments