Self-confessed gunman sa Percy Lapid killing, nagpapalipat ng kulungan

Hiniling sa Las Piñas RTC ni Joel Escorial, ang self-confessed gunman sa Percy Lapid killing na mailipat siya ng kulungan.

Partikular na hiniling ni Escorial na mailipat siya sa Bureau of Corrections facility sa Samar mula sa New Bilibid Prison.

Sa Bilibid kasi sinasabing ginawa ang plano sa pagpatay kay Lapid.


Ayon sa Escorial, nanganganib ang kanyang seguridad sa NBP.

Inihayag naman ng kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa na masusing pinag-aaralan ng kanilang abogado ang hirit ni Escorial na plea-bargain para maibaba sa homicide ang kaso nitong murder.

Facebook Comments