Self-confessed hitman na si dating SPO3 Arthur Lascañas, hindi pa din alam kung kailan makakauwi na bansa

Manila, Philippines – Aminado ang self-confessed hitman na si dating SPO3 Arthur Lascañas na hindi nito alam kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas.

Ayon kay Lascañas – hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanatag ang kanyang loob lalong lalo na sa seguridad ng kanyang buhay kaya hindi siya makauwi-uwi ng bansa.

Nakakatanggap rin aniya ito ng mga balita mula sa Pilipinas na hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga tao na nais pumatay sa kanya.


Mababatid na April 8 nang lumipad si Lascañas patungong Singapore at nangakong babalik rin ng bansa pagkatapos ng dalawang linggo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi.

Facebook Comments