Gagamitin ang mga ‘self-driving cars’ para magbigay ng transportasyon sa mga atletang lalahok sa 30th South East Asian (SEA) Games na gaganapin sa New Clark City sa Nobyembre.
Ang mga sasakyan ay gawa ng US-based mobility company na Coast Autonomous, na darating sa bansa sa kalagitnaan ng Oktubre at sasailalim sa pilot testing.
Ito ay 20-seater low speed autonomous vehicles na gagamitin para ihatid-sundo ang mga atleta mula sa athlete’s village, athletics stadium at aquatics center.
Mayroon din itong high-definition 3D mapping machines para sa ruta ng mga shuttle.
Ayon kay Coast Autonomous Chairperson and CEO David Hickey – ang mga bagong vehicles ay backbone ng makabago at malinis na streetcar system.
Sinabi naman ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vince Dizon – walang gagastusin ang gobyerno dito.
Itataguyod nito ang pagiging kauna-unahang smart at green city sa bansa.