Self-learning modules para sa pagbubukas ng klase sa Agosto, binubuo na ng DepEd

Bumubuo na ang Department of Education (DepEd) ng “self-learning” modules bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Agosto 4, 2020.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga nasabing modules ay ibibigay sa mga estudyante na walang gadgets at internet access.

Ang regional at division offices ng DepEd ay nakatakdang isumite ang learning modules sa bawat grade at learning areas ngayong linggo.


Bunsod ng inaasahang mabigat na trabaho, pinayuhan ng kagawaran ang kanilang regional at division offices na iprayoridad ang pagbuo ng unang apat na linggo ng self-learning modules.

Sa ngayon, nagsasagawa aniya ng assessment ang DepEd sa bilang ng mga estudyanteng mangangailangan ng learning materials sa papalapit na pasukan, at ang data gathering hinggil dito ay inaasahang matatapos sa katapusan ng Hunyo.

Aminado ang DepEd na hamon sa kanila ang pagpopondo para rito.

Facebook Comments