“Bes. Ang sakit iniwan niya ako! Bes ang sakit niloko niya ako! bes ang sakit sinaktan niya ako! bes nahihirapan na ako! bes suko na ako! bes wala na akong pakiramdam sa sakit”.
Isa lang yan sa maraming dahilan ng pagkasawi pagdating sa pag-ibig. Ang buhay parang gulong minsan na sa ilalim, minsan nasa ibabaw at ang relasyon parang silver things lang yan.. Maganda sa simula pero katagalan nakakasawa.
Nariyan pa nga yung magbabago ang kulay nito which is yung nararamdaman niyo sa isa’t-isa. Pero nasasayo nalang iyan kung hahayaan mo nga ba ito o iingatan at aalagaan. Pero kung ikaw ay nasa sitwasyon na nahihirapan na.. Nasasayo parin kung magtitiyaga kaba tulad ng tsinelas na alambre nalang ang kinakapitan.
Narito ang ilang dapat gawin para ikaw ay matuto mula sa sakit at pait ng nakaraan:
- Make it sure na bago ka magmahal, no more issues na muna mula sa nakaraan.
2. Patawarin mo ang sarili mo at hanapin ang nawala sayo.
3. Bigyan ng oras ang sarili mo na magliwaliw sa lahat ng bagay na magandang tanawin at makakapag bawas ng lungkot mula sayo.
4. Bigyan mo ng time ang mga taong malalapit sayo tulad ng mga kaibigan mo at pamilya mo na nakalimutan mo ng dahil sa pagmamahal.
Kung ikaw ay handa ng magmahal muli, ito ang ilan paraan para hindi kana masaktan;
- Huwag ka kasi magmahal ng hindi ka mahal.. kasi hindi natuturuan ang love sa pamamagitan ng utak dahil puso ang pinapairal pagdating sa ganitong bagay! Nabusog ka man sa paningin dahil sa itsura nito, kapalit naman nito’y walang tigil na luha ang igaganti sa iyo.
2. Huwag na huwag kang mag-aassume sa isang bagay kung alam mo naman na wala ka pang pinanghahawakan at higit sa lahat pakiramdaman mo muna kung siya na ba si Mr. Right.
3. Huwag na wag kang magmamahal ng sobra na higit sa sarili mo dahil kapag dumating sa punto na ikaw ang iniwan, ikaw na naman ang lugi at talo.
4. Huwag na wag kang maniniwala kay kupido kapag pinana ka at ipaparamdam sayo na siya ang one and only mo.. dahil lagi mong iisipin na walang FOREVER!
5. Higit sa lahat wag na wag kang magmamadali sa isang bagay tulad ng pag-ibig! Alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng PAG-IBIG dahil kapag nagmamahal laging sumusugal kahit nasa masakit kana na sitwasyon.
Article written by Maria Fatima Raci