Self-sufficiency sa bigas, malapit nang makamit ayon sa DA

Malapit na umanong makamit ang sapat ng suplay ng bigas sa bansa.

Sinabi ni Deparment of Agriculture (DA) Secretary Wlliam Dar na resulta ito ng pagtatanim ng mga dekalidad na hybrid at inbred rice varieties at ang maayos na paggamit ng mga fertilizer.

Ayon kay Dar, sa nakalipas na tatlong taon ay naging matagumpay ang implementasyon ng Philippine Integrated Rice Program.


Patunay aniya rito ang mabilis na pagtaas ng produksyon ng aning palay partikular sa average yield per hectare ng hybrid at inbred rice.

Paliwanag ng kalihim, nakapagtanim ng hybrid rice sa may 1.26 million ektarya sa panahon ng tag-ulan noong 2021 at panahon ng tag-araw o dry season noong 2021-2022.

Habang 2.89 million ektaryang inbred rice sa panahon ng tag-ulan noong 2021 at panahon ng tag-araw noong 2021-2022.

Bunga nito, tumaas ng 5.47 metric tons per hectare ang produksyon sa panahon ng tag-ulan at 6.12 MT/ha sa panahon ng tag-araw o dry season,

Ito ay 18.8% at 30.6% na mataas kung ikukumpara sa average harvest ng inbreds sa nakalipas na anim na planting season.

Facebook Comments