SELF-SUFFICIENCY SA SUPPLY NG BIGAS, ISINUSULONG SA LA UNION

Isinusulong ng lalawigan ng La Union ang self-sufficiency sa suplay ng bigas upang mapalakas ang lokal na produksyon ng palay at matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa lalawigan.

Bilang bahagi ng hakbang, pinaiigting ang koordinasyon ng Department of Agriculture at mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng Masagana Rice Industry Development Program na layong suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, kaalaman, at serbisyong agrikultural.

Kabilang sa mga tinututukan ng programa ang pagpapalakas ng irigasyon at imprastruktura, pagpapalawak ng akses sa pautang at crop insurance, at pagpapahusay ng pananaliksik at pagsasanay para sa mga magsasaka.

Tinalakay rin ang pagpapalakas ng organisasyon ng mga magsasaka sa pamamagitan pagtulong sa mga Farmers’ Cooperatives and Associations na maging ganap na kooperatiba, gayundin ang pagpapatupad ng clustering at consolidation upang mapataas ang ani.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, inaasahan ng lalawigan na mapapalakas ang produksyon ng bigas at masisiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa La Union sa mga susunod na taon.

Facebook Comments