SEMANA SANTA | LTFRB, inaprubahan na ang mga aplikasyon sa special permits

Manila, Philippines – Para higit pang maserbisyuhan ang mga luluwas ng mga lalawigan para sa Semana Santa, inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang application para sa special permit upang makapagbiyahe sa iba’t-ibang ruta ang mga provincial buses.

Ayon kay LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada, mula sa 1220 na units na sumailalim sa ebalwasyon, 697 ang naaprubahan mula sa mga bus operators mula sa Bicol Region, Mindanao, North Luzon, South Luzon at Visayas.

Noong nakalipas na taong 2017, may 1,035 bus units ang binigyan ng special permit ng LTFRB mula sa 422 application para makapagbiyahe sa mga lalawigan sa panahon ng Semana Santa.


Facebook Comments