SEMANA SANTA | Pagdagsa ng mga biyahero, pinaghahandaan na ng BI

Manila, Philippines – Naghahanda na ang Bureau of Immigration (BI) sa inaasahang pagdagsa ng mga turistang bibisita sa bansa kasabay ng papalapit na Semana Santa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente – titiyakin nilang sapat ang mga tauhang nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pansamantala aniyang ililipat sa naia ang mga Immigration Officers na naka-assigned sa main office at iba pang sub-ports para maiwasan ang mahabang pila sa immigration counters.


Siniguro ng BI na kahit holidays ay patuloy nilang ihahatid ang maayos na serbisyo.

Hinimok din ng BI ang pasahero na maagang dumating sa mga paliparan para hindi mahuli sa kanilang flights.

Facebook Comments