SEMANA SANTA | Pagtanggap ng aplikasyon para sa special permit, tinapos na ng LTFRB

Manila, Philippines – Tinapos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagtanggap ng application mula sa mga bus operators na nais makakuha ng Special Permit para makapagbiyahe sa ibat-ibang ruta ngayong Semana Santa.

Ayon kay LTFRB Board member Atty Aileen Lizada, kasalukuyan nang isinasailalim sa Evaluation ng Board ang mga applications para malaman kung ilang units ang mabibigyan ng permit.

Sa kabuuan ,umabot sa 437 ang aplikasyon na tinanggap ng LTFRB na may 1,182 units mula sa mga bus operators mula sa Bicol Region, Mindanao, North Luzon, South Luzon at Visayas.


Noong nakalipas na taong 2017, may 1,035 bus units ang binigyan ng special permit ng LTFRB mula sa 422 application para makapagbiyahe sa mga lalawigan sa panahon ng Semana Santa.

Facebook Comments