Manila, Philippines – Ginugunita ngayong araw ng simbahang Katolika ang ‘Palm Sunday’ o Linggo ng Palaspas.
Batay sa kalendaryong liturhikal, ipinagdiriwang ito ng mga Katoliko bilang hudyat ng pagpasok ng Mahal na Araw.
Binibigyang alala ng Linggo ng Palaspas ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem bago ang kanyang pagpapakasakit sa kalbaryo.
Tradisyunal na may dalang palaspas ang mga magsisimba at iwawagayway ito habang binebendisyunan ng pari bago o pagkatapos ng banal na misa.
Sumisimbolo rin ang araw na ito sa taus-pusong pagtanggap kay Hesus bilang ating Panginoon at tagapagligtas.
Ang pagwagayway sa palaspas ay simbolo naman ng pagtalima ng mga mananampalataya sa kalooban ng Diyos.
Facebook Comments