Maagang ang nilinisan ang mga pampublikong sementeryo sa Bugallon bilang paghahanda sa Undas ngayong taon.
Setyembre pa lamang ay inumpisahan nang tibagin ang ilang nitso, pulutan ang mga naipong basura at tapyasan ang mga puno na nakaharang sa daanan.
Dinaluhan din kamakailan ng ilang kawani ang clean-up drive sa lugar upang tuluyan itong maging maaliwalas at madaling mahanap ng mga residente ang nitso ng kanilang yumao.
Samantala, nauna nang nilinaw ng tanggapan na tanging nitso na wala ng laman ang tinitibag sa lumang sementeryo bilang respeto sa mga kaanak.
Nagpapatuloy naman ang konstruksyon ng bagong sementeryo sa bayan.
Facebook Comments









