SEMIFINALS | Creamline vs Petrogazz; Banko-Perlas kontra Ateneo Motolite sa PVL ‘Open’

261

Pangungunahan ni Alyssa Valdez ang pagnanais ng Creamline na makuha ang ticket sa finals sa pagsisimula ng semifinal round ng PVL Open Conference mamayang hapon sa The Arena sa San Juan City.

Makakaharap ng Cool Smashers ang PetroGazz Angels sa unang laro, alas kuwatro ng hapon.

Bagaman at top seed ang Cool Smashers, 1-1 naman ang record nila kontra Angels.


Sa second semifinal pairing naman, magtutunggali ang Banko-Perlas laban sa Ateneo-Motolite.

Paborito ang Perlas Spikers kontra sa Lady Eagles dahil dalawang beses nilang tinalo ang Ateneo sa elimination round.

Facebook Comments