SEMINAR PARA SA MGA ENTREPRENEURS, ILULUNSAD NG DICT ISABELA

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng libreng pagsasanay para sa mga enterepreneurs ang DICT Isabela Provincial Office sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ay gaganapin sa loob ng dalawang araw sa October 10-11 sa Bamboo Hall, Cauayan City Hall, Cauayan, Isabela mula alas otso hanggang alas singko ng hapon.

Ang naturang seminar ay para sa mga store owners, business owners, aspiring MSMEs, aspiring business starters, at sa lahat ng nais dumalo.


Layunin nito na bigyang kaalaman ang mga entrepreneurs sa pagsisimula ng kanilang negosyo at kung paano ito pagandahin.

Samantala, limatado lamang ang slots ng mga maaaring dumalo sa naturang aktibidad.

Facebook Comments