SEMINAR-WORKSHOP UKOL SA COMPREHENSIVE DEVELOPMENT PLAN AT CLIMATE DISASTER RISK ASSESSMENT, GINANAP SA BAYAMBANG

Ginanap ang unang bahagi ng isang seminar o workshop ukol sa Comprehensive Development Plan (CDP) at Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA) sa batan ng Bayambang para sa mga taong 2024-2029.
Dumalo sa nasabing workshop ang lahat ng LGU departments at units, national government agencies, at mga representante ng pribadong sektor sa bayan ng Bayambang.
Ang CDP ay government-mandated plan na naaayon sa Local Government Code at covered nito ang anim na taon at nakaangkla sa Comprehensive Land Use Plan na isang required plan ng pamahalaan habang ang CDRA naman ay isang elemento ng mga naturang plano na kailangang nakapaloob sa mga ito, para naman maging handa ang lahat ng LGU sa kahit anong panganib o sakuna na dulot ng extreme weather o climate change at iba pang natural at man-made disasters.

Inorganisa ang nasabing seminar-workshop ng Municipal Planning and Development Office sa gabay ng Municipal Local Government Operations Officer. |ifmnews
Facebook Comments