Sen. Alan Cayetano, posibleng magsampa rin ng reklamo laban kay Sen. Nancy Binay; ethics complaint kay Cayetano, minaliit ng senador

Hindi malabong sampahan din ng reklamo ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Nancy Binay.

Ito’y matapos maghain kaninang umaga ng ethics complaint si Binay laban kay Cayetano sa opisina ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na siya ring chairman ng Senate Committee on Ethics.

Ayon kay Cayetano, nanglilito lamang si Binay dahil batid ng senadora na walang mangyayari sa ethics complaint na inihain laban sa kanya.


Kung tutuusin aniya ay pwede niyang sampahan din ng reklamo si Binay dahil unethical ang ginawa nito matapos na dumalo at manggulo sa pagdinig na hindi naman siya miyembro at nag-walk out pa.

Magkagayunman, sinabi ni Cayetano na welcome pa rin na dumalo si Binay sa pagdinig ng kanyang komite at maaari nilang pag-usapan ang isyu nang mahinahon at dapat sumunod sa order.

Aminado si Cayetano na nalungkot siya sa mga nangyari dahil pareho silang mga senador pero hindi siya nanghihinayang nang masabi niya na nagma-marites si Binay at nag-iikot na mali-mali umano ang mga binabanggit na numero sa pagpapatayo ng New Senate Building.

Facebook Comments