Hindi minamasama ni Senator Sonny Angara ang pagkakaroon ng confidential at intelligence fund ng Office of the President.
Mabilis kasing nakalusot sa Senate subcommittee ng Senado ang P10.7 billion na 2024 budget ng Office of the President matapos na walang senador ang kumwestyon dito.
Sa naturang pondo, aabot naman sa P4.5 billion ang CIF sa tanggapan ng pangulo.
Ayon kay Angara, wala siyang isyu sa pagkakaloob ng CIF sa opisina ng presidente dahil may mga intelligence na tanging pangulo lamang ang nakakaalam.
Sinabi pa ni Angara na pareho lamang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang halaga ng CIF ng opisina ni Pangulong Bongbong Marcos at wala aniyang dagdag na inihihirit dito.
Sa kabilang banda, maaari pa rin namang kuwestyunin ang CIF na ito sa pagsalang ng pambansang pondo sa ‘period of amendments’ sa plenaryo.