Sen. Angara, umaasang makatwiran ang halaga na idadagdag sa sweldo ng mga guro

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Committee on Finance Vice Chairman Senator Sonny Angara ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ngayong 2019 ay maisasakatuparan na ang pangakong pagtaas sa sweldo ng mga pampublikong guro sa buong bansa.

Bunsod nito ay umaasa si Angara na makatwiran ang halaga na idagdag sa sweldo ng mga guro bilang sukli sa mahalagang ambag nila sa lipunan.

Ayon kay Angara, ang nabanggit na halaga ay dapat bukod pa sa nakatakdang huling bahagi ng salary increase para sa mga empleyado ng pamahalaan.


Magugunitang noon pang 2016 ay inihain na ni Senator Angara ang Senate Bill no. 135 na nagsusulong na itaaas sa salary grade 19 ang kasalukuyang salary grade 11 na tinatanggap ng mga guro.

Kapag naisabatas ang panukala ni Angara ay tataas sa 42,099 pesos ang kasalukuyang 20,179 pesos na buwanang sweldo ng mga guro.

Facebook Comments