Sen. Antonio Trillanes, handang magpaubaya sakaling tumakbo si VP Robredo sa pagka-pangulo sa 2022 national elections

Handang magpaubaya si dating Senador Antonio Trillanes kung tutuloy si Vice President Leni Robredo sa presidential race sa 2022 national election.

Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni Trillanes na si VP Leni pa rin ang posibleng maging “principal candidate” ng 1Sambayan opposition coalition at isinama lang sa pagpipilian ang kanyang pangalan sakaling hindi tumuloy ang bise presidente sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa.

Ayon kay Trillanes, handa siyang magbigay daan kay Robredo bilang standard-bearer ng opposition party para sa pagkakaisa ng partido.


Nabatid na nagsimula na ang selection process at inaasahang Hulyo ihahayag ng 1Sambayan ang kanilang mamanukin sa 2022 presidential election.

Facebook Comments