Sen. Antonio Trillanes, Hinamon Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte Na Ipakita Ang Kanyang Bank Accounts Para Masilip A

14

MANILA – Hinamon ni Vice Presidential Candidate Sen. Antonio Trillanes IV si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pumirma sa waiver ng Bank Secrecy Law para masilip ang kaniyang bank account.Paliwanag ni Trillanes, walang saysay ang unang waiver na pinirmahan ng alkalde dahil wala namang nakalagay na bank account.Una nang sinabi ni Trillanes na mayroon pumasok na mahigit P200 million sa isang joint bank account ni Duterte at anak niyang si Sarah noong March 28, 2014.Giit ng Senador – hindi idineklara ni duterte ang nasabing P211 million sa kaniyang Statement of Assets, Liabilites and Net Worth o SALN noong December 2014.Itinanggi naman ito ni Dutetre at sinabing walang katotohanan at gawa-gawa lang ang akusasyon ni Trillanes.Wala rin aniyang siyang balak na mag-isyu ng panibagong waiver para sa ‘nonexistent’ na bank account.Nagbanta naman si Trillanes na marami pa siyang expose laban sa alkalde.

Facebook Comments