Sen. Antonio Trillanes, maghahain ng resolusyon ngayong araw para imbestigahan ang umano’y tagong yaman ni P-Duterte

Manila, Philippines – Maghahain ng resolusyon ngayong araw si Sen. Antonio Trillanes IV para paimbestigahan ang umano’y tagong-yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya.

Partikular na gustong maimbestigahan ni Trillanes ang bank document ng Pangulo at ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na P100 Milyon sa Bank of the Philippine Island (BPI).

Ayon sa Senador, may mga transaksyon ang mag-ama na aabot sa higit kalahating-milyong piso, na paglabag sa Anti-Money Laundering Act.


Matatandaang makailang ulit nang itinanggi ng mag-amang Duterte ang mga akusasyon ni Trillanes.

Facebook Comments