Sen. Bato dela Rosa at Sen. Bong Go, parte ng pamilyang Duterte

Ikinukunsidera ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa at Senator Christopher “Bong” Go ang mga sarili na kabilang sa miyembro ng pamilyang Duterte.

Kaugnay na rin ito sa ginanap na hapunan noong isang gabi kung saan magkakasama sina Dela Rosa, Go at Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, simpleng hapunan at kwentuhan lang ang kanilang ginawa dahil matagal-tagal din silang hindi nagkita.


Wala rin aniyang napagusapan na mabigat na paksa at kung meron man ay mga minor o maliliit lang ito at wala ring kinalaman sa 2025 election.

Aniya pa, para na rin silang mga anak at ikinukunsidera nila ang kanilang mga sarili na kabilang sa extended family ng mga Duterte bunsod na rin ng samahan na nabuo sa maraming taon.

Facebook Comments