Sen. Bato dela Rosa, handang mamagitan para pagkasunduin sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos

Handa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mamagitan kina Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte para pag-usapin ang dalawa.

Ito’y matapos magkalamat ang relasyon ng dalawa dahil sa palitan ng maaanghang na salita sa isa’t isa sa gitna na rin ng paglutang ng pekeng People’s Initiative.

Ayon kay Dela Rosa, kung mabibigyan siya ng pagkakataon at kung siya ay pahihintulutan na pagtagpuin sina Marcos at Duterte ay malugod niyang gagawin ito.


Sinabi ng senador na batid naman niya na magagaling na lider ang dalawa at wala naman silang intensyon na gibain o hatiin ang bansa.

Nalalaman din ng mambabatas na parehong gusto nina Marcos at Duterte ay pagkakaisa kaya naman kung may pagkakataon ay kanyang paglalapitin at pag-uusapin ang dalawa.

Facebook Comments