Sen. Bato dela Rosa, hindi kumbinsido na may ebidensya laban sa kanya ang Quad Comm ng Kamara

Duda si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may ebidensya ang Quad Committee ng Kamara laban sa kanya kaugnay sa mga alegasyon sa drug war noong Duterte administration.

Ayon kay Dela Rosa, kung mayroon talagang matibay na ebidensya ay ilabas ito ng House Quad Comm para ma-counter siya at hihintayin niya ito.

Magkagayunman, kumbinsido si Dela Rosa na walang ebidensya ang Kamara laban sa kanya kaugnay sa mga naging akusasyon ni dating PCSO General Manager Royina Garma at ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.


Hindi rin siya aniya kumbinsido rito dahil malinis ang kanyang konsensya at wala aniya siyang ginawang kalokohan.

Sinabi pa ni Dela Rosa na kahit sa affidavit ni Garma ay hindi nabanggit ang kaniyang pangalan.

Facebook Comments