Sen. Bato dela Rosa, hindi mag-i-inhibit sa imbestigasyon ng Senado sa war on drugs

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi siya mag-i-inhibit sa ikakasang imbestigasyon ng Senado tungkol sa war on drugs ng dating Duterte administration.

Ito’y kahit pa isa siya sa mga nakakaladkad sa pagpapatupad at mga nangyaring patayan sa kampanya kontra iligal na droga.

Ang komite ni Dela Rosa na Public Order and Dangerous Drugs ang magsasagawa ng motu proprio investigation tungkol sa war on drugs habang wala pang resolusyon na inihahain para dito.


Paliwanag ni Dela Rosa, hindi naman self-serving ang pagkakasa niya ng imbestigasyon at nais din niyang linawin ang kanyang pangalan.

Aniya, may delicadeza naman siya at nahihiya rin siya subalit kailangan nang magkaroon ng sariling imbestigasyon ng Senado upang mapanatili ang “checks and balances”.

Hindi rin aniya siya mag-i-inhibit kung sa komite man niya mapunta ang imbestigasyon sakaling may maghain ng resolusyon para dito.

Facebook Comments