Sen. Bato dela Rosa, humingi ng gabay sa Espiritu Santo para sa mga kinahaharap na isyu ng bansa kabilang na ang impeachment case ni VP Sara Duterte

Humingi ng gabay sa Espiritu Santo si Senator Ronald Bato Dela Rosa para sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Sa naging sesyon ng Senado nitong Lunes, pinangunahan ng senador ang isang panalangin at nanawagan ito na gabayan ang lahat ng senador sa mga nakatakdang tatalakayin sa plenaryo tungkol sa mga isyung kinakaharap ngayon ng bansa kabilang na ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Matatandaang sinabi na noon ng senador na ginabayan umano siya ng Holy Spirit nang magmosyon siyang i-dismiss ang impeachment case ni VP Sara Duterte.

Iginiit din ng senador na ‘ginabayan ng Holy Spirit’ ang Korte Suprema ng ideklara nitong unconstitutional ang impeachment case.

Una nang sinabi ni Bato na malaki ang pag-asa niya na susundin ng Senado ang naging desisyon ng Korte Suprema.

Nakatakdang pag-usapan ng mga senador ang naging ruling ng Senado sa impeachment case ng pangalawang pangulo bukas, August 6, 2025.

Facebook Comments