Sen. Bato dela Rosa, iginagalang ang desisyon ng korte na payagang makapagpiyansa si dating Sen. Leila de Lima

Iginagalang ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang naging desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court na payagang makapagpiyansa si dating Senator Leila de Lima hinggil sa kaso nito na illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Dela Rosa, nirerespeto niya ang desisyon ng korte at palagi niyang inoobserbahan ang ‘separation of powers’ ng mga sangay ng gobyerno.

Gayunman, hindi naman masabi ni Dela Rosa na mahina ang kaso laban kay De Lima dahil tumagal at hindi naman ito na-dismiss noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nagtataka rin si Dela Rosa dahil ang ‘facts’ at merito ng kaso ay pareho pa rin naman.

Napuna ng mambabatas na naging trend na sa bansa na kapag nagpapalit ng administrasyon ay tila humihina at nagbabago ang interes sa kaso.

Sa kabilang banda, sinabi ni Dela Rosa na masaya naman siya para kay De Lima dahil may isang kasama ang napalaya mula sa detensyon.

Facebook Comments